Ang pag-ibig parang ulan kung kelan hindi ka handa saka bubuhos at kahit anong tago mo mababasa ka parin
ang nakaka-lungkot lang kung kelan nag-eenjoy kana saka biglang titila at mawawala.
Sino ba ang may kasalanan sa pag laglag ng dahon sa isang puno?
Ang hangin na umiihip dito?
Ang puno na hinayaang mahulog ito?
O ang dahon na hindi kumapit at nag-paihip sa hangin?
Sino ba ang dapat sisihin sa pag-kawala ng mahal mo?
Ang tukso na pumipilit sa kanyang iwan ka?
Ikaw na hinayaan mong maagaw sya sayo?
O sya mismo na bumitaw sayo at nag-padala sa tukso?
Wag kang magalit sa taong kinailangan kang iwan, tama man o mali ang kanyang dahilan.
Dahil mas mabuti ng mang-iwan… kesa makipag-siksikan.
Marahil ang dahilan ng katapusan ay hindi ang katotohanan na may panibagong aasahan kundi ang realidad na lahat ng bagay matibay man o hindi.. ay may hangganan.
Hindi kasalanan ng tao na mahal ka nya
May kasalanan ka din
Dahil ipinakita mo na ikaw ang dapat nya mahalin
Hindi mo masasabing manhid ang isang taong
Piniling wag pansinin ang nangyayari sa paligid ligid nya
Dahil minsan, sa sarili nyang pang-unawa..
Kailangan nyang magtanga-tangahan para hindi na sya masaktan ng lubusan.
Sa buhay maraming beses kang mag-mamahal,
Pero may isang tao na dadating na hindi mo makakalimutan
Hindi man sya ang makakatuluyan mo
Pero sya naman yun taong mag-bibigay kahulugan sa buhay mo.
“Mahirap maging Masaya
Mahirap tumawa kapag nasasaktan ka na
Mahirap magkunwari na ayaw mo ng umasa
Pero ang pinakamahirap sa lahat
Ay ang magmahal ako ng iba para lang makalimutan ka.”
“Marami ang nabubuhay ng Masaya dahil sa salitang Mahal Kita..
Pero mas marami ang lumuluha dahil din sa salitang un!
Bakit? Kasi mas marami ang bibig na sinungaling kesa sa pusong nagmamahal!”
“Minsan kala mo nakalimutan na kita
Akala mo di kita miss
Kala mo wala akong pakialam..
Kala mo lang un!
Di kana nasanay,
Alam mo naming mahal kita eh..
Gusto pa sinasabi.”
“ang sarap alalahanin ng nakaraan.. yung tawanan, asaran, kulitan!
Alam mo ba yung tunay na dahilan kung bakit masarap alalahanin un?
Kasi andun `KA` kasama `KO`.”
Ilang beses ko na sinabi sa sarili ko na hinding-hindi na kita mamahalin
Ngunit tuwing nakikita kita, lagging sinasabi ng puso ko…
“hanggang ngayon, mahal oarin kita! Hindi yun magbabago.”
Mahirap iwanan ang taong nagging bahagi na ng buhay natin.. pero minsan kailangan natin umalis sa buhay nila para di tayo lalong masaktan..
“Pero pano bang magpaalam sa taong ayaw mo ng iwanan?”
1 comments:
Parang buhay ko ang mga salita na ito laht...ask in lahat na ito..pinagdahaanan ko na sa buhay ko..iniwan.ako ang nag iwan.ndi na binalikan...hanggang tuloyan na ng nawala skn ang lht ng mahal ko..
Post a Comment